Ang distrito
-
Ang distrito ng Ciutat Vella, o lumang lungsod, ay nababalangkas ng buong gilid ng dating mga pader ng lungsod, at siyang lugar na okupado ng makasaysayang sentro ng lungsod ng Barcelona.
Ang Ciutat Vella ay ang orihinal na distrito ng Barcelona, ang puso ng lungod. Kaya kapag binabanggit namin ang Ciutat Vella, tinutukoy namin ang kasaysayan ng lungsod, mula sa pinakasimula nito. Binabakuran ang distrito sa kanluran ng L’Eixample, sa silangan ng Karagatang Mediterranean, sa hilaga ng Sant Martí, at sa timog ng Sants-Montjuïc. Nilalaman ng Ciutat Vella ang apat na kapookan, ang bawat isa ay may sariling personalidad. Sa timog, Barceloneta; sa kanluran, Raval; sa sentro, Gòtic; at sa silangan, Sant Pere, Santa Caterina i la Ribera.
Ang Ciutat Vella ay isang distrito na taglay ang lahat: kultura, pamana, kasaysayan, komunidad at kaaliwan.
-
Mga grocery ng Pakistani, mga telang Indian, pagkaing Italyano … praktikal na mailalarawan ang Raval ng dami ng kulturang nagsasama-sama, gayong 56% ng mga nananahan dito ay nagbuhat sa iba-ibang bahagi ng mundo. Ang pinakamalaking komunidad, kasunod ng mga Espanyol ay mula sa Pakistan, marami sa kanila ay nananahan at nagtatrabaho sa pook ng timog Raval, at Pilipinas, karamihan ay nasa hilagang Raval.
Ang pook na may paliku-likong daan na kilala bilang El Raval, na mula La Rambla hanggang Paral·lel ang abot, ay ang nakaraan at hinaharap ng Barcelona. Isang pook na maraming nakatira, naiiba, at laging sumasalubong sa mga bagong-dayo ay may sariling kakaibang buhay-kultura.
Ang Raval ay totoo, may personalidad, at isang napakasayang lugar para maglakad-lakad na may bagong salitang Catalan na inimbento para rito: ravalejar. Oras na para mag-ravalejar at mamasyal sa totoong pook na ito.
-
Ang Gòtic o Gothic quarter ay kilala para sa pamana at kasaysayan. Kabilang sa lugar na ito ang ilan sa pinakamalalaking atraksyon ng lungsod, gaya ng Plaça Reial, ang Cathedral at El Call. Bagaman ginagawa itong isa sa pinaka-abalang puntahan ng mga turista sa Barcelona, ginagawa ng mga lokal na residente ang imposible para mapanatili ang pakiramdam ng komunidad ng pook na kanilang mahal at pinahahalagahan.
Habang tinutuklas mo ang looban ng Gothic quarter lumalapit ka sa mga pinagmulan ng Barcelona, sa lugar kung saan 2000 taon nang nakalipas ay tinatag ng mga Romano ang Barcino. Ngayon, makahahanap pa rin tayo ng mga bakas ng bayan ng Romano sa mga nalalabing bahagi ng mga pader nito.
Inaanyayahan ka ng makikipot na kalye at maliliit na parke ng pook na ito na maglakad-lakad hangga’t gusto mo at magbabad sa ganda at kaligiran nito. Maraming kahali-halinang lugar na matutuklas.
-
Tulad ng mungkahi ng pangalan nito, ang Sant Pere, Santa Caterina i la Ribera ay binubuo ng tatlong maliliit na simbahan. Ang grupong ito ng mga makasaysayang pook, kilala rin bilang Casc Antic o old town centre, ay binabakuran ng Passeig de Lluís Companys, ng Ciutadella park, Via Laietana, at mas malalaking lugar gaya ng Barceloneta at L’Eixample.
Kapag naglalakad sa mga parke at mga kalye ng Casc Antic nadarama ang mga panahong medieval, noong ito ay isa sa mga pinakaimportanteng pook sa lungsod, puno ng mga palasyo at mansyon ng mga mayayaman na mamamayan.
Mapalad din ang Casc Antic na maisama ang pinakamalaking parke ng Barcelona, ang La Ciutadella, ang mga art gallery ng Born, ang Picasso Museum, Barcelona Zoo, ang Catalan Parliament at ang kapuri-puring Palau de la Música.
-
Ang Barceloneta ay ang pinakamagandang halimbawa ng pook sa tabing-dagat. Kinukubli ito ng makikitid na kalye at komunidad na maka-pamilya mula sa gulo at pagka-abala ng malaking lungsod. Ang mga Harapan ng mga gusali nito ay kinupas ng maalat na hangin, ang mga bangka na bumabalik ng pantalan sa pagsapit ng takipsilim, at ang di-mapagkakamaliang amoy ng dagat ay nagpapatotoo lahat sa katangian nitong Mediterranean, gaya ng mga tradisyunal na mga baryo ng mangingisda sa baybayin ng Catalan.
Umaabot pabalik sa ika-18 siglo ang kasaysayan nito, noong nilikha ito bilang isang bagong-bagong pook na may karaniwang istilong Baroque na layout na nananatiling halos buo pa rin. Noong panahong iyon, isang mabuhaging lugar ito sa labas ng mga pader ng lungsod.
Sa simula ng ika-20 siglo, nagsimulang magbukas ang Barcelona patungo sa karagatan. Nagsimulang lumitaw ang mga lugar na mapaliliguan sa dalampasigan, at napakabantog nito sa kapookan ng Barceloneta, na nagsimulang magpakadalubhasa sa bagong negosyo: fine dining. Nagsulputan ang mga bar, mga inn at restaurant para pakainin ang libu-libong mga naliligo sa mga beach.