Paglahok
-
Ang Full Council ay ang regular na pagpupulong ng District Council, ang organisasyon ng sama-samang pagtutulungan at representasyon para sa Ciutat Vella. Nagtatalaga ang Alkalde ng councillor na gaganap bilang Chair ng Full Council, na binubuo ng mga councillor na hinalal sa pamamagitan ng proporsyonal na representasyon.
Ang mga pangunahing trabaho nito ay mag-ulat tungkol sa mga panukala at magpanukala ng sarili nitong mga plano at programa sa mga usaping nakakaapekto sa distrito.
Ang mga karaniwang sesyon ng Full Council ay bukas sa publiko at ginaganap bawat dalawang buwan. Makadaragdag ang mga miyembro ng publiko ng mga item sa agenda kung hihilingin nila ito nang maaga.
-
Ang Neighbourhood Council ay isang entidad para sa lokal na paglahok para sa lahat ng problemang kaugnay sa pook. Isa itong tagpuan para sa pagpapahusay sa kalidad ng buhay sa lungsod at bumubuting ugnayan ng lipunan.
Binubuo ito ng mga district councillor, mga kinatawan ng mga grupong pulitikal, mga serbisyo, mga entidad at asosasyon, at siyempre, ng mga mamamayan. Para makilahok kailangan mong magrehistro sa pampublikong panawagan para sa mga entry.
Ano ang ginagawa nila?
Pinag-uusapan nila ang tungkol sa mga plano, mga proyekto at mga nagaganap na pagkilos sa pook. Pagkatapos na magkaroon ng mga kasunduan, isinusumite ang mga panukala sa mga kaugnay na entidad sa City Council para sa katugunan. -
Ang Citizen Forum o Public Hearing, sa antas ng distrito, ay ang pagpupulong na itinakdang petsa ng mga kinatawan ng munisipyo sa publiko, Para ipagbigay-alam sa pubiko at maghain at talakayin ang mga panukala kaugnay ng isang partikular na kilos sa publiko, aktibidad o programa.
Sa kaso ng mga distrito, pinamumunuan ito ng mga regulasyon sa mga function ng mga pamahalaang pangdistrito, at mga regulasyon ng bawat distrito.
Nagbibigay-kakayahan ang mga pampublikong pagdinig sa mga kaugnay para magtulungan bilang grupo at pahusayin ang mga relasyon sa publiko, mga politiko at mga lingkod-bayan, na nauuwi sa mga positibong resolusyon sa mga salungatan at mga hinihingi ng komunidad.
Ginaganap ang mga pampublikong pagdinig bawat dalawang buwan sa iba-ibang espasyo at pasilidad ng mga kapookan na bumubuo sa distrito.
-
Ang Decidim.Barcelona ay ang digital participatory platform ng Barcelona City Council para sa pagbuo ng mas demokratikong lungsod. Isang virtual na lugar kung saan makabubuo tayo ng bukas, transparent at nagtutulungang lungsod kung saan bida ang mga residente.
Paano ako makalalahok sa Decidim.Barcelona?
- Tingnan ang mga proseso sa paglahok.
- Basahin ang pinakabago, pinakamataas ang rating, pinakamaraming komento o pinaka-pinagtatalunang mga panukala.
- I-filter ang content na interesante sa iyo gamit ang mga pansala gaya ng distrito, paksa o mga tag.
- Gumawa ng mga bagong panukala.
- Magkomento sa, ibahagi at suportahan ang mga dati nang panukala ng City Council o ng mga mamamayan.