Kapaki-pakinabang na impormasyon
-
Para mapabilis ang mga transaksiyon mo sa munisipalidad, humiling ng appointment sa Citizen Help and Information Offices (OAC) para sa: rehistro ng lokal na populasyon, municipal tax office, town planning, mga aktibidad sa paggawa sa gusali at negosyo, papeles kaugnay ng mga alagang hayop, mga mobile ID at digital certificate, kasama ng iba pa.
Saan:
Carrer de les Ramelleres, 17Mga oras na bukas:
25 Setyembre - 23 Hunyo
Lunes, Martes, Miyerkules at Biyernes, mula 8.30 am hanggang 2.30 pm
Huwebes, mula 8.30 am hanggang 7.30 pm24 Hunyo - 24 Setyembre
Lunes hanggang Biyernes, mula 8.30 am hanggang 2.30 pmKailangan ang mga appointment para sa:
- Rehistro ng lokal na populasyon
- Municipal tax office
- mga aktibidad sa paggawa sa gusali at negosyo
- Mga alagang hayop
- Town planning
- Mobile ID/ digital certificate
- Gaudir+BCN Registry
Makagagawa ka ng mga appointment para sa mga ito at anumang iba pang prosesong hawak ng OAC, sa pamamagitan ng:
- Pagpunta sa ajuntament.barcelona.cat/cita
- Paggamit sa mga kiosk ng mga procedure at serbisyo
- Pagtawag sa 010 (931 537 010 kung tumatawag mula sa labas ng metropolis)
- Paggamit sa MobileID app
-
Nagkakaproblema ka ba sa pagbayad para sa tinitirhan mo? Nais mo bang makahanap ng abot-kayang mauupahan? Kailangan mo ba o ng lokal na asosasyon ninyo ng tulong sa pagkumpuni ng tahanan mo? Nagiging abala ba ang mga kapit-bahay mo?
Aasikasuhin ka ng Ciutat Vella Housing Office nang personal at pag-aaralan ang kaso mo para maibigay nila sa iyo ang pinakamainam na solusyon. Bibigyan ka nila ng payong-legal at tutulungan ka na mag-apply para sa mga kaloob o humiling ng abot-kayang mauupahang bahay. At sa mga kasong labis na pangangailangan, mae-enroll ka nila sa mga partikular na programa para maiwasan ang di-pagkakabilang o kawalan ng tahanan.
Saan:
Plaça de Salvador Seguí, 13Mga oras na bukas:
Lunes, Martes, Miyerkules at Biyernes, mula 8.30 am hanggang 2.30 pm
Huwebes, bukas nang buong araw mula 8.30 am hanggang 8 pmKailangan ko ba ng appointment?
Karaniwang hindi kailangan ng appointment, pero kailangan ang mga ito sa ilang partikular na serbisyo.
Kung pupunta ka sa tanggapan, ipapaliwanag nila sa iyo ang lahat ng hakbang na kailangan mong pagdaanan.Paano humiling ng appointment:
- Tumawag sa 010 (tumawag sa 931 537 010 kung nasa labas ka ng metropolitan area).
- Pumunta sa website ng mga procedure www.bcn.cat/tramits
Accessibility para sa mga taong may kapansanan.
-
Kung inaabuso ang mga karapatan mo bilang manggagawa, may mga katanungan ka o kailangan mo ng payo, pumunta sa Ciutat Vella Labour Rights Office, itinataguyod ng Barcelona Activa at ng Ciutat Vella District sa pakikipagtulungan ng mga network at unyon ng manggagawa sa distrito.
Biang isang manggagawa, may mga karapatan at tungkulin ka na dapat igalang ng nagpapatrabaho sa iyo. Dapat igarantiya ng lahat na trabaho ang mga basic na kondisyon sa pagpapatrabaho, gaya ng pagkakaroon ng kontrata at pagiging rehistrado sa Social Security, kumikita ng minimum na sahod, at limitasyon sa oras ng trabaho. Maging nakababatid!
Saan:
Plaça de Salvador Seguí, 16-17Mga sesyon sa pinagsama-samang payo:
Bawat ikalawa at ika-apat na Huwebes ng buwan, sa ganap na 7 pm. Pumunta at ipaliwanag ang kaso mo, malaman ang tungkol sa iba, at humanap ng mga solusyon. Gaganapin ang mga sesyon na ito ng municipal services, at sa ikaapat na Huwebes ng buwan dadalo rin ang mga kinatawan ng mga unyon CC.OO. at UGT.Personal na atensyon:
Martes, mula 6 pm hanggang 10 pm
Huwebes, mula 12 pm hanggang 8 pm
Biyernes, mula 10 am hanggang 2 pm at 4 pm hanggang 8 pm
At Lunes, mula 10 am hanggang 1 pm, ang atensyon ay hatid ng CC.OO. at UGT.Kung mas nais mo na mag-appointment o may iba ka pang katanungan, magpadala ng email sa proximitat@barcelonactiva.cat o sa telepono:
93 401 97 60 (Lunes at Martes)
93 485 32 07 (Miyerkules, Huwebes at Biyernes). -
Ang mga tanggapan ng PIAD ay mga serbisyo ng lokal na munisipyo na nag-aalok ng impormasyon sa lahat ng bagay na may interes o tungkol sa kababaihan. Nagbibigay sila ng access sa iba’t-ibang mapagkukunan ng lungsod, sa patrabaho at batas sa pagpaaptrabaho, mga asosasyon, kultura, edukasyon, at iba pang paksa. Nag-aalok din sila ng libreng pagpapayo at payong-legal. Mangyaring gumawa ng appointment bago ka bumisita.
Nag-aalok ang mga tanggapan ng PIAD ng impormasyon at gabay sa iba-ibang mga napagkukunan (patrabaho, edukasyon, gabay na personal o legal, mga asosasyon ng kababaihan, mga lugar na mapagpupulungan at malalahukan, atbp.), personal na atensyon, payong-legal, mga workshop, mga kurso ng pagsasanay, atbp.
Para sa kanino ang mga ito?
Kababaihan na may edad na 18 o mas matanda pa na nananahan, nag-aaral o nagtatrabaho sa Barcelona.Saan:
Carrer Nou de la Rambla, 45Mga oras para sa mga appointment:
Martes, mula 1 pm hanggang 2 pm
Huwebes, mula 3 pm hanggang 4 pmPaano humiling ng appointment:
- Pumunta nang personal sa tanggapan, sa mga oras na ipinapakita para sa bawat PIAD.
- Tumawag sa 936 197 311, mula Lunes hanggang Biyernes, mula 9 am hanggang 2 pm, at mula Lunes hanggang Huwebes, mula 4 pm hanggang 7 pm.
Walang bayad at lihim ang serbisyong ito.
-
Kumikilos ang Office for Non-Discrimination (OND) para matiyak ang pantay-pantay na karapatan para sa lahat ng tao at para makabuo ng mas patas, at mas magkasundong lipunan. Nakatutulong ito sa mga taong apektado ng anumang uri ng diskriminasyon, nagbibigay sa kanila ng payong-legal sa kung paano gagawa ng pormal at opisyal na reklamo, at sinisikap na mapalawak ang kabatiran sa mga mamamayan ng Barcelona.
Kumikilos ang OND sa mga sitwasyon ng diskriminasyon dahil sa edad, kinikilalang kasarian, oryentasyong sekswal, pinagmulan, relihiyon, wika, pagkamamamayan, kalusugan, kapansanan, sitwasyon sa lipunan, atbp.
Naging biktima ka ba ng diskriminasyon o galit?
Maipapaliwanag mo ang sitwasyon mo sa amin sa OND. Bibigyan ka namin ng payong-legal, aanalisahin ang mga posibleng multa, at magtatakda ng pagresolba sa alitan gaya ng pamamagitan.Aktibo ka ba sa larangan ng pagtatanggol ng mga karapatang-pantao?
Nag-aalok ang OND ng mga espasyo at mapagkukunan para sa ganitong mga uri ng aktibidad. Nakikipagtulungan kami sa at sumusuporta sa mga tao at entidad na kaugnay ng mga karapatang-pantao. Gumagamit kami ng strategic litigation bilang kasangkapan para matiyak ang karapatan para sa lahat.Nais mo bang kumilos laban sa diskriminasyon?
Nagbibigay ang OND ng impormasyon sa mga karapatan ng tao at mamamayan. Nag-oorganisa kami ng mga pagsasanay at kamalayan sa pamamagitan ng Human Rights Resources Centre.Saan:
Carrer de Ferran, 32Mga oras na bukas:
Lunes at Biyernes, mula 9 am hanggang 2 pm
Martes, Miyerkules at Huwebes, mula 9 am hanggang 8 pmMakipag-ugnayan:
- Telepono: 934 132 000. -
Ang CIAJ (Youth Information and Advice Centre) ay nagbibigay ng naka-personalize, at propesyunal na atensyon nang walang bayad, sa lahat ng area ng impormasyon na maaaring interesado ang kabataan: mga trabaho, pagsasanay, mga asosasyon, pabahay, kultura, sport, kasiyahan, kalusugan, turismo, pagboboluntaryo, atbp.
Nag-aalok din ang CIAJ ng iba pang mga mapagkukunan at serbisyo, gaya ng mga lecture, mga workshop, mga exhibition, mga debate, mga serbisyo sa payo sa patrabaho, payo sa pakikihati sa pabahay, pagnenegosyo, biyahe at kilos sa ibang bansa, coaching para sa mga batang naghahanap ng trabaho, mga babasahing sanggunian, mga multi-purpose na lugar na magagamit ng kabataan, pagproseso ng mga international ID card, atbp.
Saan:
Carrer de Sant Oleguer, 6-8Mga oras na bukas:
Lunes hanggang Biyernes, mula 10 am hanggang 2 pm at 4 pm hanggang 8 pmMakipag-ugnayan:
- Telepono: 934 422 939.
- Email: ciaj@bcn.cat -
Kumikilos ang tanggapan na ito para matiyak ang mga angkop na pwesto sa paaralan para sa mga bagong estudyante na dumarating sa Ciutat Vella at para sa mga kailangang magpalit ng paaralan dahil sa mga espesyal na pangangailangan sa pag-aaral.
Nagfo-follow up din ito sa mga studyante para matiyak na matagumpay silang nakaka-agapay sa mga bagong paaralan nila at sa iba pang mga estudyante.
Para sa kanino ito?
- Mga paaralan, guro, at iba pang lokal na ahente.
- Mga bagong dating o mga estudyanteng may espesyal na pangangailangan.Saan:
Plaça del Pi, 2Mga oras na bukas:
Mula 1 Setyembre hanggang 31 Mayo: Lunes hanggang Huwebes, mula 10 am hanggang 2 pm; Martes, mula 4 pm hanggang 6 pm; at Biyernes, sa pamamagitan ng appointment.
Tag-araw: Lunes hanggang Huwebes, 10 am hanggang 2 pm, at Biyernes, sa pamamagitan ng appointment.Makipag-ugnayan:
- Telepono: 93 343 78 25 -
Nais mo bang gumamit ng mas kaunting enerhiya sa tahanan? Nauunawaan mo ba ang mga bill mo sa kuryente, tubig at gas? Kailangan mo ba ng gabay sa kung paano makakukuha ng mga ayuda o magproseso ng papeles? Ano ang magagawa mo kung nahihirapan kang bayaran ang mga bill mo sa kuryente, tubig o gas?
Ang ginawin sa loob ng tahanan ay hindi normal. Hindi normal na ihinto ang paggamit ng cooker o washing machine mo dahil hindi mo kayang bayaran ang bill mo sa kuryente, tubig o gas. Kung hindi mo mapanatili ang mga utility na ito dahil kinakapos ka ng pera, pumunta sa tanggapan ng payo sa enerhiya. Doon ay makahahanap ka ng mga kasangkapan na kailangan mo para maipaglaban ang karapatan mo na magkaroon ng enerhiya.
Nais matiyak ng Barcelona City Council na ang mga taong nanganganib na di-makabilang o mawalan ng tahanan sa lungsod ng Barcelona ay hindi mawawalan ng supply ng enerhiya, ayon sa itinakda sa Batas 24/2015. Ang kuryente, tubig at gas ay mga basic na karapatan at lahat ng tao ay ginagarantiya na magkaroon ng access sa mga ito.
Saan:
Plaça de Salvador Seguí, 13Mga oras na bukas:
Lunes, Martes, Miyerkules at Biyernes, mula 9 am hanggang 2 pm
Huwebes, mula 9 am hanggang 2 pm at 3 pm hanggang 7 pm.Makipag-ugnayan:
- Telepono: 010 -
Ang 2016-2021 Ciutat Vella Economic Development Plan ay isang gabay tungo sa pagpapatibay at pagbabagong socio-economic ng distrito sa loob ng susunod na limang taon.
Nilikha sa pakikipag-diyalogo sa mga lokal na residente at komunidad, mga negosyo at mga istraktura ng lipunan at kapookan, at pinangungunahan ng Distrito ng Ciutat Vella at Barcelona Activa, inilaan ang dokumento na ito para gabayan tayo habang sinisikap natin na himukin ang pakikipagtulungan at kapwa pagkilos sa pagitan ng iba’t-ibang lokal na ahente, upang makabuo ng bagong modelo ng ekonomiya para sa mga kapookan natin: Isang pangmaramihan, malawakan at solidong ekonomiya na nakatuon sa mga pangangailangan ng madla.
Kaya, ang inilaang pagpapalago sa ekonomiya para itaguyod ay makatutulong sa paglikha ng yaman at trabaho, habang nagbibigay ng pangangalaga at atensyon para sa mga problemang gaya ng kalidad ng trabaho, hustisya sa lipunan, pagkapantay-pantay ng kasarian at paghahalo ng mga kultura, pati na ang makaapekto sa modelo ng ekonomiya ng distrito para sa kalikasan at kung paanong nagkakasundo ang mga mamamayan nito.
Upang makamit ang modelong ito ng pangmaramihang tao, iba-iba at solidong ekonomiya, na nakatuon sa mga pangangailangan ng mga tao, tututok ang Ciutat Vella Economic Development Plan lalo na sa mga sumusunod na area o sektor ng ekonomiya:
- Personal na pangangalaga at mga serbisyo
- Mga pamamagitan sa komunidad
- Mgo lokal na shop at negosyo
- Responsableng pagkonsumo
- Mga proyektong pangkultura
- Maliliit na taniman sa bukirin
- Ang umiikot na ekonomiya
- Kaalaman at inobasyon
-
Pagkain, moda, pangangalaga sa kalusugan, mga aksesorya, serbisyo, atbp. Naghahanap ka ba ng partikular na uri ng shop o negosyo na malapit sa tahanan mo? Mahahanap mo itong lahat sa mga gabay sa lokal na pamimili para sa bawat pook, isang magandang paraan para matuklasan ang lahat ng lokal na negosyo sa Ciutat Vella:
-
Ang mga civic center at aklatan ay mga lugar na bukas sa lahat ng tao at may kabatiran sa lokal na komunidad. Bagaman may sariling pagkakakilanlan ang bawat espasyo , konektado ang mga ito at binubuo ang bahagi ng Civic Centre Network at Library Network ng lungsod.
Musika, potograpiya, pelikula, agham, teknolohiya, teatro, atbp. Makahahanap ka ng mga kurso at workshop sa mga civic center, pero baka ikagulat mo rin ang mga aktibidad na pangkultura. Ang mga sumusunod ay mga civic center sa Ciutat Vella:
Convent de Sant Agustí Civic Centre (Casc Antic)
Barceloneta Civic Centre (Barceloneta)
Pati Llimona Civic Centre (Gòtic)
Drassanes Civic Centre (Raval)Nagbibigay ang Library Network ng libreng access sa impormasyon at kaalaman, at hinihimok nito ang pagbabasa. Inaalok ng Ciutat Vella ang mga sumusunod na aklatan:
Gòtic - Andreu Nin Library
Francesca Bonnemaison Library
Sant Pau - Santa Creu Library
Barceloneta - La Fraternitat Library -
Ang karapatan sa kalusugan ay isa sa mga pangunahing karapatang-pantao. Sa dahilang ito, nagbibigay kami ng malawakang uri ng mga pasilidad na makapagbibigay ng pangngalaga sa kalusugan para sa lahat, maging ang isa sa pinakamalalaking ospital sa lungsod.
Alin ang CAP ko?
Ang mga Health Center (CAP) ay itinatalaga ayon sa kung gaano kalapit ang mga ito sa tahanan mo, o dahil kabilang ka sa isang partikular na grupo. Ipinapakita ng personal identification code (CIP) na nasa healthcare card mo kung alin ang nauugnay sa iyo.Barceloneta Health Centre
Passeig Marítim de la Barceloneta, 25Casc Antic Health Centre
Carrer del Rec Comtal, 24Doctor Lluís Sayé Health Centre (hilagang Raval)
Carrer de Torres i Amat, 8Drassanes Health Centre (timog Raval)
Avinguda de las Drassanes, 17Gòtic Health Centre
Passeig de la Pau, 1Paano ako makagagawa ng appointment?
Magagawa mo ito nang online, nang personal, o sa pamamagitan ng pagtawag sa 902 111 444 o 933 268 901.Ano ang magagawa ko sa isang medikal na emergency?
Kung kailangan mo ng agarang pangangalaga, pumunta sa pinakamalapit na ospital o tumawag sa 112.Paano kung hindi isang emergency ang problema ko?
Kung may problema ka sa kalusugan na hindi isang emergency, may tanong ka o nais mo lang na magpa-check-up, makatatawag ka rin sa 061.Matutugunan ng 061 CatSalut Respon ang mga procedure na administratibo, masasagot ang mga katanungan sa pangangalaga ng kalusugan, maituturo ang mga mamamayan sa naaangkop na health center, magpadala ng doktor sa tahanan ng isang pasyente, o kung kinakailangan, alertuhin ang Medical Emergencies Services para magpadala ng ambulansya o isang medical helicopter.
Ano ang mga 24-oras na health center (mga CUAP)?
Kung mayroon kang medikal na emergency sa labas ng karaniwang oras ng trabaho ng emergency service ng CAP mo, makapupunta ka sa mga 24-oras na health center.Saan ang pinakamalapit na 24-oras na botika?
Para makita kung aling mga botika ang bukas na malapit sa iyo, silipin ang Pharmacists’ Association.Hospital del Mar
Passeig Marítim, 25-29
Tel: 93 248 30 00, 93 248 32 54CUAP Peracamps
Plaça de Pieyre de Mandiargues, 1 (Ciutat Vella)
Tel: 93 441 06 00 -
Ang 112 ay ang isang pang-emergency na numero ng telepono sa Catalonia at saanman sa Europa, magagamit nang 24 oras sa isang araw, 365 araw sa isang taon, nang walang bayad.
Pulis ng lungsod - Guàrdia Urbana
092Serbiyo sa sunog
080Mga Social Service
936 197 311.Medical helpline ng CatSalut Respon
061