Nais mo bang magsimula ng negosyo?
-
Naglalaman ang Ciutat Vella ng maraming negosyo, at nakakaakit ng maraming tao mula sa iba pang bahagi ng lungsod at mula sa buong mundo, na nauuwi sa lumalaking pangangailangan para sa akomodasyon ng turismo. Naaapektuhan nito ang mga lokal na residente at may negatibong epekto sa kanilang kalusugan at lokal na ekonomiya.
Kasalukuyan kaming may special zoning plan, na kilala bilang Land Use Plan, na namamahala sa mga negosyong bukas sa publiko, mga establisamento ng pagkain at catering, mga serbisyo sa turista at iba pang aktibidad upang makontrol ang mga aktibidad sa mga establisamento ng lungsod na bukas sa publiko at nag-aalok ng mga serbisyo o produkto.
Inilaan ang Land Use Plan para balansehin ang mga paggamit sa lungsod sa pamamagitan ng pagkontrol sa mga aktibidad na bukas sa publiko at iba pa, isinasaalang-alang ang mga epekto nito sa mga residente ng lokal na komunidad. Hangarin din ng dokumento na ito na panatilihing matitirhan ang distrito ng Ciutat Vella at panatilihin ang kalidad ng buhay ng mga residente nito.
Ciutat Vella ang unang distrito sa lungsod na nag-draft ng isang land use plan, noong 1992, at patuloy itong binabago mula pa noon habang nagbabago ang mga sitwasyon, laging ang layunin ay makamit ang naaalagaang balanse sa pagitan ng aktibidad ng ekonomiya at mga pangunahing karapatan ng mga mamamayan.
Inuuna ng 2018 Land Use Plan ang kapakanan at tahimik na paninirahan ng mga residente, sa halip ng basta lang kinokontrol ang aktibidad ng komersyo. Ang mga pangunahing mithiin nito ay:
1. Pahusayin ang balanse sa pagitan ng mga pangangailangan ng mga residente at pagpapanatili sa aktibidad ng komersyo.
2. Pagkontrol at paglimita sa mga aktibidad na may mga negatibong epekto.
3. Pinahuhusay ang mga aktibidad ng komersyo na nakatutulong na gawing mas maunlad ang distrito.
4. Hinihimok ang pagkakaiba-iba sa ekonomiya at komersiyo sa lahat ng mga pook.
5. Pagkamit ng mas mahusay na katumpakan sa pagkontrol nito sa mga establisamento, sa pamamagitan ng mga hiwa-hiwalay na kanto at gusali.
6. Pagpayag o pagbawal sa mga aktibidad batay sa kung matatanggap o hindi ng lungsod ang mga ito, upang matiyak ang timplada ng mga aktibidad at serbisyo.
7. Pagtiyak na nauunawaan ng lahat na ahente ang mga regulasyon at mga instrumento nito.
8. Paglikhang kasangkapan para sa pagmamanman sa komersyo at kapaligiran sa lungsod. -
Tinatrato ng 2018 Land Use Plan ang distrito bilang isang unit (maliban sa Rambla at sa Port). Ngayon ay hindi na nito binibilang ang mga establisamento, kundi minamarkahan ang serye ng mga lugar nang metro kwadrado na inilalaan sa mga aktibidad at mga kondisyon na dapat masapatan ng mga bagong aktibidad. Hinahati rin ang mga bagong aktibidad sa dalawang malalaking grupo ayon sa mga epekto nito sa gabi.
Ang mga establisamentong pangkultura, mga palatuntunan na hindi gaanong maingay, at mga establisamentong naglilingkod sa komunidad ay mas maluwang ang mga kondisyon at hinihimok ang pagdaraos ng mga ito. Sa kabila nito, hindi ipagkakaloob ang mga pahintulot sa mga bagong establisamento na kaugnay sa mga aktibidad na panggabi (mga discotheque, mga nightclub, mga bingo hall, casino, amusement arcade, mga public payphone center, karaoke, atbp.) o mga serbisyo sa turista.
Ang mga bagong establisamento ay kondisyonal batay sa mga sumusunod na panukatan:
> Density (Pagkasiksik): Ang paggamit sa dalawang bagong density radia, ayon sa uri ng aktibidad at epekto nito sa gabi, ay nagpapahintulot sa mas tumpak na pagmamanman sa dami at laki ng mga aktibidad, at pinipigilan nito ang ilang mga aktibidad na matipon sa iilang kalye.
> Maximum na area: Para iakma ang hinihinging lugar ng ilang aktibidad sa istraktura ng lungsod, panatilihin ang timplada ng mga paggamit at kontrolin ang epekto sa mga pampublikong espasyo ng ilang malalaking establisamento, itinatag ang isang panukatan para sa maximum na area.
> Nanganganib na gusali: Sa mga lugar na pang-residensyal na labis na nanganganib, kung saan maaaring mas malaki ang epekto ng mga bagong aktibidad, ipinakilala ang kondisyon ng nanganganib na gusali, at magiging kondisyonal ang mga bagong aktibidad sa gusaling sinesertipika bilang teknikal na naaangkop.
> Lapad ng kalye: Kinokontrol ang ilang aktibidad ayon sa lapad ng kalye at antas ng mapapahintulot nito.
Makakuha ng marami pang impormasyon mula sa Business Support Office (OAE):
Address: Carrer de Roc Boronat, 117
Tel: 93 320 96 00
Website: https://empreses.barcelonactiva.cat/es/Mga oras na bukas:
Lunes hanggang Huwebes, mula 8.30 am hanggang 6 pm
Biyernes, mula 8.30 am hanggang 2.30 pm -
Ang Land Use Plan para sa Rambla ay modipikasyon ng karaniwang plan, partikular na sa governing area 5B, na tumutukoy sa Rambla (kabilang ang Plaça Reial, Plaça Sant Josep at La Boqueria), at pinal na naaprubahan noong Disyembre 2014.
Inilaaan ng partikular na regulasyo na ito para himukin ang pagbubukas ng mga tindahang pang-industriya ng kultura, at para ipagbawal at limitahan ang mga hotel, restaurant at mga aktibidad sa gabi, na masyado nang nagtipon sa kalyeng ito.
Inilaan din ang plan na ito para himukin ang mas matataaas na kalidad ng restaurant at cafés, habang pinagbabawal ang pagpasok ng mga bagong establisamento ng catering at akomodasyon ng turista.